New TESDA Cavite-PNP Initiative to Support Police and Communities Through Training and Livelihood
Pinangunahan ni PCOTN Michelle P. Bastawang (Chief, PIO/ASST L.C, PCADU) ang TESDA Cavite delegation sa isang courtesy visit kay Police Colonel Dwight Erolfo Alegre, Acting Provincial Director ng Cavite PPO, upang talakayin ang posibleng pagtutulungan para sa Community-Based Training (CBT) programs para sa mga uniformed personnel.
Ipinresenta ng TESDA ang mga skills training programs na maaaring makatulong sa mga pulis, partikular sa disaster preparedness, first aid, communication skills, at kabuhayan. Buong suporta ang ipinahayag ni PCol Alegre at nangakong magtalaga ng focal person para sa koordinasyon.
Napagkasunduan ang pagbuo ng localized at needs-based training para sa mga sektor gaya ng out-of-school youth, kababaihan, at komunidad. Target din ng TESDA na maghanda ng draft MOA sa Hunyo 2025. Ang ugnayang ito ay hakbang tungo sa mas ligtas at mas empowered na mga komunidad sa Cavite.
Tignan ang buong
artikulo: https://www.facebook.com/tesdaR4A/posts/pfbid02AuDANHVZ495MEpQob4ZuzhaH82n9cXkf5ATEayQ9otGsW65y3U5YkYi1Jzz3uqfPl