"TESDA-LLDA PTC Conducts Community-Based Training on Hand Sanitizer and Perfume Making for First Pioneer Distribution, Inc. "
Noong Mayo 13, 2025, matagumpay na isinagawa ng TESDA-LLDA Provincial Training Center ang isang araw na Community-Based Training sa paggawa ng hand sanitizer at pabango para sa 25 empleyado ng First Pioneer Distribution, Inc. sa Unilab Pharma Campus, Biñan City, Laguna.
Pinangunahan nina Trainer Joy Maureen P. Delos Santos at Esau G. Gabriel ang hands-on workshop kung saan itinuro ang tamang proseso ng paggawa, pag-package, at pagpepresyo ng mga produkto bilang pangkabuhayan.
Ang lahat ng kalahok ay ginawaran ng sertipiko bilang pagkilala sa kanilang pagsasanay. Isa na namang hakbang patungo sa mas maraming livelihood opportunities para sa mga mamamayan!
Tignan ang buong
artikulo:https://www.facebook.com/tesdaR4A/posts/pfbid0rvoMVpYjmPmo5ohp377czFCo9tvX2kR1XcTja4MUUhW399PcAFbeMysgr1g6z4qXl