TESDA IV-A at Samsung SEMPHIL, Pinagtibay ang Plano sa Pagpapalawak ng Regional Partnership
Nagdaos ng pagpupulong ang TESDA Region IV-A (CALABARZON) kasama ang Samsung Electro-Mechanics Philippines Corp. (SEMPHIL) upang pag-usapan ang pagpapalawak ng kanilang kolaborasyon sa buong rehiyon.
Nagsimula ang kolaborasyon noong 2023 sa Jacobo Z. Gonzales Memorial School of Arts and Trades (JZGMSAT) sa pamamagitan ng MOA para sa Electromechanical Technology (Bundled Qualification) na binubuo ng:
1. Electronic Products Assembly and Services NC II
2. Electrical Installation and Maintenance NC II
3. Mechatronics Servicing NC II
4. Mechatronics Servicing NC III
Bilang paghahanda sa mas malawakang regional partnership ngayong 2026, mainit na tinanggap ni Regional Director Engr. Jovencio M. Ferrer, Jr. sina Mr. Kiwoon Kwon, Ms. Riselle Dayday, Mr. Earl Tamayo, at Mr. Paul Joseph Ledesma ng SEMPHIL.
Dinaluhan din ang pagpupulong ng mga administrador mula sa iba't ibang TESDA Technology Institutions sa CALABARZON, bilang hakbang sa pagtitiyak ng maayos at epektibong implementasyon ng programa sa buong rehiyon.
Basahin ang buong artikulo sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1DVUfjp8aZ/