Matagumpay na isinagawa ang dalawang araw na Business, Expenses, and Savings (BES) Training at Entrepreneurship Seminar noong Mayo 6–7, 2025 sa Centropen Hotel, Catanauan, Quezon para sa mga kooperatiba ng magsasakang niyog sa Bondoc Peninsula.
Kabilang sa mga aktibidad ang business simulation, kung saan natutunan ng mga kalahok ang tamang paraan ng pagnenegosyo—mula sa record keeping, marketing, manufacturing, quality control, hanggang sa negotiation.






